Chill Playlist Habang Nagco-commute

Wala ka bang magawa habang nasa byahe ka? Makinig ka na lang sa mga kantang ‘to:

Cool Ka Lang– Prettier Than Pink

Swak sa mga bumabyahe sa mahaba at matagal na traffic ng Maynila. Ang kantang Cool ka Lang ay sinulat at inawit ng bandang Prettier than Pink, naging gold album at nanguna ito sa OPM Charts noong 1995. Sakto ang kantang ito para sa mga commuter at driver na nagiinit na ang ulo dahil sa traffic.


 

Overdrive– Eraserheads

Para naman sa mga mahilig mag-travel at magliwaliw kasama ang tropa o kahit solo ride, ang kantang ito ang sakto sa byahe mo, mapa-jeep, fx, taxi o kotse pa yan. Ang kantang Overdrive ay kasama sa Cutterpillow album ng bandang Eraserheads, ang album ay talagang hit at naging third biggest-selling album in Philippine History.

 

Jeepney Love Story– Yeng Constantino

Ang kantang ito naman ay bagay sa mga taong hopeless romantic sa kanilang mga babyloves, crush at inspirasyon habang nasa byahe lalo na sa jeepney. Talagang nakakakilig ang kantang ito lalo na kung kasabay mo na si crush sa jeep, saktong sakto ang lyrics nitong “ayaw ko nang pumara kung ikaw ang kasama”, sweet diba?. Ang kantang ito ay isinulat at inawit ni Yeng Constantino at kasama sa pangatlong album na Lapit noong 2010.

 

Kalesa– Hale

Kung ang trip mo ay mag appreciate ng mga tanawin habang nasa byahe, ang kantang Kalesa ng bandang Hale ang bagay sa trip mo. Ang kanta ay kasama sa “Kundiman” ang ikaapat na album ng Hale na nai-release noong 2009. Chill lang ang kantang ito at hahayaang maglakbay ang iyong mga mata sa paligid at gumagana ang iyong malawak na imahinasyon. Ang kalesa ay isa sa mga transportasyon noong unang panahon na mayroon pa hanggang sa kasalukuyan ay tiyak mong mae-enjoy habang nakikinig sa awiting ito.

 

Hanggang Sa Muli– Kenyo

Sabik ka na bang umuwi sa inyo? sa iyong mga mahal sa buhay? ang awiting “Hanggang sa Muli” ang magpapa-alala kung gaano kasarap umuwi sa piling ng ating mga mahal. Habang nasa biyahe ay siguradong maeexcite kang umuwi at yakapin sila. Ang bandang Kenyo ay nagsimula noong 2007 na binuo ng bokalistang si Mcoy Fundales mula sa Orange and Lemons.

 

Tadhana– Moonstar 88

Kung nais mong lalong manabik  na umuwi sa kanlungan ng iyong mahal, ang kantang Tadhana ng Moonstar 88 ang bagay sa roadtrip mo. Sa beat nitong very chill lang ay siguradong mapapawi ang stress mo sa biyahe at maiisip ang taong nakatadhana sa iyo. Sumikat ang kantang Tadhana noong ilabas ng ng Moonstar ang kanilang “Todo Combo” album noong 2007, kasama sa album na ito ang awiting Migraine, sila din ang nagpasikat ng mga awiting Torete at revival ng awiting Panalangin.

 

Alapaap– Eraserheads

Gusto mo bang sumama? Iyan ang isa sa mga linya ng kantang ito. Patok na patok ito sa mga road trips ng mga magbabarkada, jamming kung jamming ang hatid nito lalo na sa mga out of town trips. Talagang feel na feel mo ang iyong pagkabata noong 90’s dahil ang kantang ito ay mula sa album na “Circus” mula sa bandang Eraserheads na unang inilabas noong 1994. Kasama sa album na ito ang mga sikat na awiting “Magasin” at “With a Smile” na talagang patok din sa buong barkada o kahit naka solo-trip ka pa.

 

Travel Times (Dayo)– Yano

Nalibot mo na ba ang ‘Pinas? Sa kantang Dayo ay may instant field trip ka while on the way sa iyong pupuntahang trabaho, opisana, at school. Mapupunta ka mula sa magagandang tanawin ng Luzon, Maynila, Visayas at Mindanao. Hindi lang positibo ang pinapakita ng kantang dahil naktutok din ito sa realidad ng lipunan kagaya ng problema nito tulad ng mga holdapan sa manynila gayon na rin ang  Smokey Mountain at mga eskwater. Talagang mapapajive ka habang on the go. Ang kantang Dayo ay inawit ng Bandang Yano noong 2016.

 

Ale– The Bloomfields

Ang susunod nating awitin ay para naman sa mga asado, asang asa sa pag-ibig, gaya ng mga naunang kanta ay medyo oldie but goodie din ito. Ang awiting ito ay tiyak na magbabalik tanaw sa mga kantahan ninyo sa loob ng inyong high school classroom habang nagkakantahan. Maaalala din ninyo ang inyong office crush na medyo may edad na pero super lakas pa ng dating or yung teacher/ prof mong super ganda at pogi.

 

Taralets– Imago

Indak sa kanan, indak sa kaliwa, daliri mong umaangat na dahil sa energy ng kanta, ito ang magagawa mo habang pinakikinggan ang ating huling kanta sa ating OPM Road Trip Playlist ang TARALETS! ng bandang Imago. Sa kanilang kanta, walang hindi mapapasabay lalo na kung ikaw ay batang 90’s. Talagang enjoy ang inyong byahe mapatraffic man sa EDSA ang kaharap mo o isang matiwasay at mahabang byahe sa NLEX. Ang kantang ito ay mula sa album na Blush nan i release noong 2006 na talagang naghit sa masa.

Facebook Comments