China, dapat huli sa konsiderasyon sa pag-utang ng bansa

Manila, Philippines – Maraming paraan na nakikita si Senate President Pro Tempore Ralph Recto para mapondohan ang mga proyekto ng pamahalaan.

Una sa listahan ni Recto ang PPP o Public-Private Partnership program.

Sabi ni Recto, kung kailangang umutang ay andyan naman ang Asian Development Bank, World Bank at Japan International Cooperation Agency o JICA.


Diin ni Recto, dapat panghuli ang China sa konsiderasyon pagdating sa pag-utang ng bansa.

Pahayag ito ni Recto sa harap ng report na ilan sa ating mga ari-arian ang ginawang kolateral umano sa pag-utang ng gobyerno sa China para sa Chico River Project.

Facebook Comments