Nagpaalala ang Chinese Foreign Ministry kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na magkaroon ng maayos na asal at kumilos na naaayon sa kanyang estado.
Ito ang sinabi ni Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin matapos maglabas ng matatalim na pahayag si Locsin sa Twitter dahil sa pananatili ng mga barko ng China sa karagatan ng Pilipinas.
Ayon kay Wenbin, patunay na ang “megaphone diplomacy” ay pinaparupok lamang ang mutual trust.
Nakiusap din siya sa Pilipinas huwag gumawa ng mga hakbang na magpapalala lamang sa sitwasyon.
Ang Scarborough o Panatag Shoal ay bahagi ng hurisdiksyon ng China.
Una nang humingi ng paumanhin si Locsin kay Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Facebook Comments