China, magbibigay muli ng vaccine donation sa Pilipinas – Pangulong Duterte

126

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ang China ng karagdagang donasyon ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Sa kaniyang talumpati sa Valenzuela City, sinabi ni Pangulong Duterte na may karagdagang 400,000 dose ng bakuna ang China sa Pilipinas para mabuo ag isang milyong donasyon na nito sa bansa.


Gayunman, hindi naman nabanggit ng Pangulo kung anong brand ng bakuna ang ibibigay ng China.

“But I will be receiving another batch. And then another — China would give us another 400, [000] making their donation to this country 1 million.” ani Pangulong Duterte.

Matatandaang February 28 nang dumating sa Pilipinas ang unang batch ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac.

Facebook Comments