Nanindigan muli ang China na parte ng kanilang teritoryo ang Spratly Islands o tinatawag nilang “Nansha”.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang – may mga sapat silang historical at legal basis para pagtibayin ang kanilang claims sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Iginiit din ng Chinese official na hindi dapat hinahamon ang karapatan ng kanilang mga mangingisda na pumalaot doon.
Pero tiniyak ng China na patuloy nilang itataguyod ang kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iba pang bansa na may territorial claims dito.
Bukod sa Pilipinas at China, ang Vietnam, Malaysia, Indonesia at Taiwan ay may inaangkin ding teritoryo sa pinagtatalunang karagatan.
Facebook Comments