Manila, Philippines – Magbibigay ang China ng 7.34 billon dollars para sa pagpapatayo ng mga proytektong imprastraktura sa Pilipinas.
Ayon sa Finance Department, ang 7.19 billion dollars na loan ay ilalaan sa 10 big-ticket infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng Duterte administration.
Ang natitirang 148.22 million dollars ay grant para sa konstruksyon ng dalawang tulay sa Maynila, Marawi reconstruction, at drug rehabilitation.
Kabilang sa mga proyektong popondohan ng China ay Kaliwa-New Centennial Water Source sa Quezon Province, Chico River Pump Irrigation Project sa North Luzon at Philippine National Railways South Project.
Tutulong din ang China para sa pagpapatayo ng Subic-Clark Railway at Davao City Expressway.
Ilan sa mga proyektong ito ay lalagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinse Premier Li Keqiang sa kanilang bilateral meeting sa ASEAN Summit.