Pinawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangamba ng China na makadagdag sa tensyon sa South China Sea ang karagdagang sites sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa ambush interview sa pangulo sa Bataan, sinabi nitong dati nang base militar ang mga nadagdag na EDCA sites.
Pagbibigay diin ng pangulo na hindi papayag ang gobyerno ng Pilipinas na magamit ang mga kampo para sa anumang offensive action.
Sinabi ng presidente na para lamang ito sa pagtulong ng Estados Unidos sa Pilipinas sa panahon ng kalamidad, kaya ang mga napiling lugar para maging EDCA sites ay mga madalas masalanta ng bagyo.
Dagdag ng presidente, kung wala namang susugod ay hindi lalaban ang Pilipinas.
Ang ginagawa lang aniya ng gobyerno ay patuloy na pagpapatibay ng depensa ng teritoryo.