PCG, patuloy ang pagkuha ng mga impormasyon ng insidente ng pagkalunod sa nagdaang Semana Santa

Tuloy-tuloy ang ginagawang pag-tally ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga drowning incident ngayong long vacation.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, patuloy pa rin nilang kinukuha ang mga report galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pero isa aniya sa pinaka-nakalulungkot na natanggap nilang balita ay ang pagkalunod ng anim na kabataan sa Bicol.


Paliwanag ni Balilo, bagama’t may mga rescue team ang PCG at lifeguards sa mga beach resort ay responsibilidad ng mga kasamang nakatatanda ang mga batang lumalangoy lalo na at mabilis ang mga pangyayari sa ganitong sitwasyon.

Sa ngayon, sinabi ni Balilo, samu’t saring drowning incident ang naire-report sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang mga nakainom at nagpilit na lumangoy.

Kaugnay nito, mananatili sila na magbabantay at mag-iikot upang masiguro na ligtas at mabawasan din ang insidente ng pagkalunod.

Facebook Comments