Wednesday, February 4, 2026

Chinese Ambassador Jing Quan at NBI Acting Director Magno, nagkasundong magtulungan para labanan ang transnational crimes

Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang naging pagpupulong nina Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan at National Bureau of Investigation (NBI) Acting Director Atty. Angelito Magno .

Ayon sa Embahada ng China, nagkasundo ang dalawang opisyal na ipagpatuloy ang kanilang komunikasyon at koordinasyon.

Nagkasundo rin ang Chinese Embassy at ang NBI na magtulungan para labanan ang transnational crimes.

Tinalakay rin anila nina Ambassador Jing at Magno ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga Chinese nationals sa Pilipinas, at sa mga Pilipino sa China.

Facebook Comments