Binigyang diin ng Chinese Embassy na nasa katwiran ang ginawang pagbomba o water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas at BFAR na tumungo sa Bajo de masinloc.
Ayon sa Chinese Embassy, ang pagtataboy umano sa mga barko ng Pilipinas sa pamamagitan ng water cannon ay lehitimo at naaayon sa batas.
Itinaboy anila ang mga barko ng Pilipinas dahil hindi nagpalaam ang Philippine Coast Guard (PCG) na pumasok doon at iginiit na kanilang pagmamayari ito.
Kung maaalala, hinarang ng barko ng CCG ang barko ng Pilipinas noong April 30 na maghahatid ng fuel o tulong para sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.
Facebook Comments