Naniniwala ang United States Bureau of Investigation at mga cybersecurity experts na sinusubukan ng mga Chinese hackers na nakawin ang mga research para makapag-develop ng bakuna laban sa Coronavirus disease (COVID-19).
Bunsod nito, pinaplano na ng FBI at US Department of Homeland Security na maglabas ng babala ukol sa ginagawang hacking ng China ngayong nag-uunahan ang iba’t ibang bansa sa paglikha ng bakuna laban sa virus.
Kabilang din sa mga tina-target ng mga hackers ang mga impormasyon at intellectual property sa pag-gamot at pag-test ng mga COVID-19 patients.
Samantala, plano naman ng siyudad ng Wuhan, China na magsagawa ng city-wide nucleic acid testing ng COVID-19 sa kanilang 11 milyong residente sa loob ng 10 araw.
Matatandaang ang Wuhan, China ang itinuturing na episentro ng Coronavirus disease outbreak kung saan nasa higit 4 milyon na ngayon ang tinamaan sa buong mundo.