IVANA ALAWI, BIBILHAN NG BAHAY ANG KANYANG INA

Para sa mga hindi pa nakakapag move on sa Mother’s day, narito ang chika natin ngayong Martes. hindi lingid sa karamihan, lalo na sa mga followers at subscribers ni Ivana Alawi sa kanyang Youtube account, ang marangyang pamumuhay nito. Nang pumanaw ang kanyang Morrocan Father, sakanya ipinangalan lahat ng pag aari nito.

Ngunit bukod sa na inheret nito mula sa ama, kumikita rin si Ivana sa kanyang Youtube videos. Pero pinabulaanan nito ang mga kumakalat na 1 Million pesos ang kinimita niya kada view. Sa Vlog niya na inilabas noong April 27, 2020 bagamat hindi siya nagbigay ng exact amount, pero aniya, kikita ka ng 6 digits pero hindi per view. Buwan ang bibilangin bago ito makamit at depende rin ito sa ads sa videos.

Ayon pa kay Ivana, hindi pa raw nito ginagalaw ni piso ang kinikita niya sa Vlogs. Dahil nakalaan daw itong pambili niya ng bahay para sa kanyang ina. Hastag daughter goals diba?


Sana all.

Facebook Comments