Chinese National, Naholdap at Natangayan ng Libu-libong halaga ng Pera sa kanyang Apartment

Cauayan City, Isabela-Tinutukan ng patalim ang isang Chinese national matapos pasukin ng suspek ang inuupan nitong apartment bandnag 11:45 kahapon ng umaga sa Francisca Village Brgy. Baligatan City of Ilagan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Wu Liangsheng, 30-anyos, may-asawa, civil engineer at nangungupahan sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad, habang nagtatrabaho ang biktima sa loob ng kanyang tinutuluyang apartment, isang lalaki na nakasibilyan ang agad na pinasok ito at tinutukan ng patalim.


Tinali rin ng suspek ang parehong kamay at paa ng biktima at agad na tinangay ang humigit kumulang na P200,000 at isang wallet na naglalaman naman ng humigit kumulang na P10,000 maging ang dalawang (2) gamit ng suspek na cellphone na kaagad-agad na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Sa follow up operation, nadakip na ang suspek na kinilalang si Rolly Pineda, 38-anyos at residente ng Brgy Cabannungan 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Positibong kinilala ng biktima ang mismong gumawa sa kanya ng pagtutok ng patalim at pagtangay sa libu-libong halaga ng pera makaraang ma-track ito gamit ang Global Positioning System (GPS) ng isa sa mga cellphone na tinangay ng suspek at isang papel na hinihinalang naglalaman ng pinatuyong dahoon ng marijuana.

Inamin naman ng suspek na ang driver at kasambahay ng biktima ay sangkot sa pagpaplano ng pagtangay sa pera ng biktima.

Nabawi naman ng biktima ang pera at gamit na tinangay mula sa kanyang inuupang apartment.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya si Pineda maging ang driver at kasambahay ng biktima para sa dagdag na imbestigasyon.

Facebook Comments