Driver ng nagliyab na Pribadong sasakyan sa Ilagan Citry, Nakaligtas

21

Cauayan City, Isabela- Nagliyab ang isang sasakyan na Mitsubishi L300 Van pasado alas-5:00 ngayong hapon sa harap ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, minamaneho ang nasabing sasakyan ng isang Isagani Punzalan, 65-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Alibagu sa siyudad ng mangyari ang insidente.

Binabagtas ng driver ang lansangan ng nasabing barangay gamit ang kanyang sasakyan ng biglang tumirik ito at umapoy dahilan para tumigil ito sa pagmamaneho at maswerteng nakaalis bago pa man ang malaking pagliyab ng apoy.

Tumagal ng 20-minuto bago maapula ang apoy habang inaalam naman ngayon ang posibleng dahilan ng nangyaring pagliyab ng sasakyan.

Facebook Comments