Chinese nat’l na umano’y nasa likod ng P1.8-B drug shipment, pinangalanan

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng privilege speech ay ibinunyag ni Senator Panfilo Ping Lacson ang Chinese national na nasa likod umano ng 276 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 1.8 billion pesos na dumating sa bansa nitong March 22.

Ang nabanggit na droga ay nasabat sa Manila International Container Port (MICP) na nakasilid sa tea packaging at idineklara bilang plastic resin.

Sa impormasyong nakuha ni Lacson, ang Chinese national ay si Zhijian Xu alyas Jacky Co na siyang may-ari ng Feidatong International Logistics Company na nakabase sa Bulacan.


Si Co aniya ay nasa listahan ng interpol watchlist at kabilang sa mga most wanted persons sa China.

Napag-alaman pa ni Lacson na sangkot din umano sa kidnapping si Co at sa huling kinasangkutan nitong kaso ay humingi ito ng 250 million pesos na ransom.

Tanong ni Lacson, bakit sa kabila ng pagkakasangkot ni Co sa mga ilegal na aktibidad sa Pilipinas at China ay naging napakadali sa kanya na makalabas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong April 3 o ilang araw matapos masabat ng mga otoridad ang ipinuslit nitong ilegal na droga.

Facebook Comments