CHINESE NEW YEAR | Mga swerte at malas ngayong Year of the Dog!

584

Deklarado nga ng palasyo na special non-working holiday ang February 16, 2018 sa bisa ng Proclamation 269 para sa selebrasyon ng Chinese New Year. Sa nagdaang taon patuloy ang pagtaas ng papulasyon ng mga Filipino-Chinese sa iba’t ibang panig ng ating bansa na karamihan ay mga negosyante.

Ngayong taon ay ang Year of the Earth Dog at kanya kanyang paniniwala ng mga swerte at pangkontra ng malas ang hatid ng mga feng shui experts.

Narito ang kapalaran ng mga animal signs ngayong taon:
Rat – Huwag padalos dalos sa mga gagawin ngayong taon.
Ox – Asahan ang magandang balita at takbo ng iyong karera.
Tiger – Maging mahinahon at iwasang maging magalitin upang tuloy tuloy ang magandang simula ng taon.
Rabbit – Magiging maganda ang pasok ng pera sayo ngayong taon at dahil ito sa bunga ng iyong pagsisikap last year.
Dragon – Dahan dahan sa mga desisyon ngayong taon.
Snake – Asahan ang magandang balita at pag-abot sa iyong mga pangarap.
Horse – Magiging swerte ka ngayong taon lalo na sa buhay pag-ibig mo.
Sheep – Kailangan mong mag-pursige sa mga gagawin mong desisyon sa pagnenegosyo upang makamit ang iyong minimithi.
Monkey – Magiging maswerte ka sa mga babalakin mong gawin ngayong taon. Ipagpatuloy lamang ang pagiging positibong pananaw sa buhay.
Rooster – Mag-iingat sa iyong mga gagawin ngayong taon at bantayan ang iyong kalusugan.
Dog – Ito ay iyong taon at asahan ang mga bagong magbubukas na oportunidad sa iyong buhay. Maging agrisibong tanggapin ang lahat na magbibigay ng oportunidad sayo.
Boar – Magiging maganda ang taong ito para sayo ngunit mag-iingat sa inggit na mula sa ibang tao na maaring magbigay ng kamalasan sayo.

Tandaan na pawing gabay lamang ang mga ito at nasa pagdarasal at nasa atin ang desisyon kung gagawin natin maswerte ang ating pang-araw araw na buhay.

Photo-credited to Wikipedia

Facebook Comments