Chinese official, nagbabala sa mga ‘outsider’ na bansa na huwag mangialam sa isyu sa South China Sea

Nagbabala ang isang Chinese diplomat sa mga bansang hindi kasali sa usapin ng agawan ng teritoryo sa South China Sea na huwag nang palalain ang sitwasyon.

Ito ay may kaugnayan sa paghihimasok ng Estados Unidos at non-Asian countries sa isyu.

Ayon kay Chinese Councillor Wang Yi – huwag na nilang gamitin ang isyu para sirain ang gumagandang relasyon sa pagitan ng China at ASEAN countries.


Itinuturing ding mapanira ni Wang ang mga komento ni US Secretary of State Mike Pompeo sa kanila.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipagdiskurso ng China para palawakin at gawing ‘institutionalize’ ang joint military drills kasama ang ASEAN countries sa rehiyon.

Facebook Comments