Manila, Philippines – Pumayag ang Philippine National Police sa hiling ng Commission on Human Rights na pag-aralang muli ang mga case folder ng mga napapatay sa war on drugs ng PNP simula ng pumasok ang Duterte administration.
Pero ayon kay Directorate for Investigative and Detective Management o DIDM Dir. Augusto Marquez, hindi nila agad maibibigay ang mga case folder ng bawat kaso dahil patuloy ang case review na kanilang ginagawa.
Sa ngayon aniya ang tanging maibibigay nila sa CHR ay ang kabuuang bilang ng death under investigation, homicide cases na may kinalaman sa war on drugs ng PNP.
Para kay Marquez, kailangang magsanib pwersa ang PNP, CHR, at DILG para sa pagre-review ng mga kaso ng pagpatay na may kinalaman sa iligal na droga.
Sa kasalukuyan nakikipag-ugnayan ang PNP headquarters sa kanilang mga provincial at regional offices para sa ginagawang case review.