CHR, ikinatuwa ang pagkapasa sa 2nd reading ng panukalang batas na maghihigpit sa proteksyon sa mga kabataan laban sa online sexual abuse

Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-usad sa Senado ng panukalang batas na Special Protections against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Law (OSAEC).

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakakabahala na dahil sa pandemya, tumaas ang mga kaso ng online sexual abuse sa mga kabataan.

Batay sa datos ng Department of Justice, tumaas ng 264.6 percent ang OSAEC cases mula Marso hanggang Mayo ng 2020.


Ani ni De Guia, ang paglusot sa ikalawang pagbasa ng Senate bill ay isang panimulang hakbang upang higit na protektahan laban sa abusong hatid ng teknolohiya kahit nasa bahay lang ang mga kabataan.

Sa ilalim ng isinusulong na anti-OSAEC Act, palalakasin ang kapasidad ng law enforcers sa pagtugis sa online perpetrators.

Kabilang din dito ang pagtatakda ng alituntunin sa media platforms at internet service providers para i- block at tanggalin ang mga child sexual abuse o exploitation material sa loob lang ng 24 hours mula sa pagkatanggap ng reklamo.

Facebook Comments