CHR, kinondena ang pagkamatay ng tatlong katutubong Lumad sa Lianga, Surigao del Sur

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang umano’y pagpatay sa tatlong miyembro ng tribung Lumad-Manobo tribe sa Lianga, Surigao del Sur.

Ito’y matapos na maka-engkwentro ng militar ang tatlong katutubo na mga miyembro umano ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, pinakilos na ng CHR ang kanilang regional office sa Caraga upang imbestigahan ang nangyaring engkwentro.


Sa ilalim ng International Humanitarian Law (IHL), dapat kinikilala ang prinsipyo ng pagkakaiba sa pagitan ng mga sibilyan at mga combatant o armadong grupo.

Pinoprtektahan din aniya ng IHL ang karapatan ng mga kabataan.

Nabahala ang CHR sa mga napaulat na inabuso rin ang mga napatay na katutubo.

Habang inaantay pa ang resulta ng independent investigation, umaasa ang CHR na may sarili ring imbestigasyon na gagawin ang gobyerno.

Facebook Comments