Richard Gomez, ano nga ba ang mga ibinigay na payo sa anak na si Juliana pagdating sa pag-ibig?

99

Kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng Father’s Day, pinayuhan ng aktor na si Richard Gomez ang nag-iisang anak nila ni Lucy Torres na si Juliana pagdating sa pag-ibig.

Ayon kay Richard, bagama’t ini-spoil niya si Juliana at istrikto sa ilang bagay, mas gusto niya pa ring mabigyan ito ng dahilan upang hindi siya katakutan.


Pag-amin pa ni Gomez, pagdating sa usaping puso o pag-ibig, ang kanyang misis ang madalas na nakakausap ni Juliana.

Nang tanungin naman kung anong payo ang ibinibigay niya kay Juliana pagdating sa pag-ibig, sinabi ni Gomez na kung mayroon siyang manliligaw sa bahay ay okay naman sa kanilang mag-asawa.

Sa huli, nagbigay rin ng kanyang payo si Gomez para maging matatag ang relasyon ng mga ama at anak ngayong nalalapit na Father’s Day.

Facebook Comments