CHR, nababahala sa paglimita sa galaw ng unvaccinated individuals sa Metro Manila

Nababahala ang Commission on Human Rights sa desisyon ng Metro Manila mayors na limitahan ang paggalaw ng mga hindi bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, dapat nakatuon sa karapatang pantao ang mga ipinatutupad na polisiya at hindi magkakaroon ng diskriminasyon sa anumang indibidwal.

Sinabi ni De Guia na dapat pa rin magkaroon ng access sa mga essential services ang mga unvaccinated individuals.


Una nang nagdesisyon ang Metro Manila mayors na pagbawalan ang mga hindi bakunado sa indoor at outdoor dining areas, malls, hotels, events venues at iba pang establisyimento.

Bawal din silang bumiyahe sa mga pampublikong transportasyon maliban kung bibili ng mga kinakailangan.

Facebook Comments