Nababahala na ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naitatalang insidente ng karahasan sa bata at kababaihan sa nakalipas na mga araw.
Ayon sa CHR, mula March 9 hanggang 13, 2023, kabilang sa mga naitala ay ang kaso ng pagpatay sa isang 67-year-old na babae sa Norzagaray, Bulacan na pagkatapos patayin ay isinilid sa kahon ng sariling anak.
Nakakagalit din ayon sa komisyon ang mga kaso ng panggagahasa sa isang 13-year old na batang babaeng estudyante ng kaniyang sariling lolo.
Pero ang labis na ikinagulat ng CHR ay ang pagpatay sa apat na mga bata ng live in partner ng kanilang nanay sa Cavite.
Iniimbestigahan na ng CHR ang mga nabanggit na insidente.
Nanawagan din ang CHR sa gobyerno na kondenahin ang mga karahasang ito sa mga bata at kababaihan.