Inisyatibo para sa pagsusulong ng fiscal transparency, ipinatutupad ng DBM

Sinusuportahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagsusulong ng isang bukas na pamahalaan at fiscal transparency para sa mga Pilipino.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, maliban sa Freedom of Information (FOI) nagpapatupad din ang DBM ng iba pang mga inisyatibo para makamit ito.

Inihalimbawa ng kalihim ang pangunguna ng DBM sa Philippine Open Government Partnership (PH-OGP).


Aniya ito ang main consultation platform ng participatory governance cluster ng gabinete na siya namang nagku-konekta sa gobyerno at mga mamamayan.

Siniguro ng kalihim na anuman ang plano ng DBM ay para ito sa publiko lalo na sa alokasyon, desisyon, at programa na ipatutupad ng departamento.

Facebook Comments