Manila, Philippines – Pumalag naman ang Commission on Human Rights sa pahayag ng Philippine National Police na wala ni isang kaso ng Extra Judicial Killings sa bansa sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon sa CHR, hindi na dapat sa administrative order 35 ibinabase ng PNP ang kanilang depenisyon ng EJK.
Batay kasi sa depenisyon ni dating United Nations Special Rapporteur Philip Alston, ang EJK ay sumasaklaw sa anumang pagpatay ng mga tauhan ng gobyerno o ng isang vigilante group na bigong aksyunan ng pamahalaan.
Taliwas ito sa pinanghahawakan ng PNP na administrative order 35, kung saan maituturing lang na biktima ng ejk kung ang napatay ay miyembro ng media, mga grupong sangkot sa environmental, agrarian, labor at iba pang adbokasiya.
Hindi kasali sa depenisyon na ito ang mga taong sangkot sa iligal na droga.
Samantala, binanatan naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pahayag ng PNP tungkol sa EJK.