CHR, tinawag na dagok sa BOL ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Commission on Human ang magkasunod na pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng dalawampung katao at ikinasugat ng isandaan at labindalawang iba pa.

Sa isang kalatas, sinabi ng CHR na isang dagok ang nangyaring karahasan sa harap ng pagsisikap ng gobyerno na mapagtibay ang hakbanging pangkapayapaan sa mga lugar na lugar na pinagdausan ng plebisito ng Bangsamoro Organic Law .

Umapela ang CHR sa publiko na huwag magpadala sa takot sa halip ay at sama samang kumilos para sa hustisya at kapayapaan


Hamon ng CHR sa gobyerno, mabilisang tukuyin at papanagutin ang nasa likod ng marahas na pangyayari upang ipakita na kaya nitong ipagtanggol ang karapatan at dignidad ng tao.

Nagpadala na rin ng joint team ang CHR Central Office upang tumulong sa imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments