Kampo ni dating RCBC branch Manager Maia Deguito, naghain ng motion for reconsideration

Manila, Philippines – Naghain na ng motion for reconsideration sa Makati Regional Trial Court Branch 148 ang kampo ni dating RCBC branch manager Maia Deguito kaugnay sa kaso nitong money laundering.

Ayon kay Atty. Demetrio Custodio, abugado ni De Guito, nakasaad sa kanilang mosyon ang kahilingan na baliktarin ng korte ang nauna nilang desisyon laban kay Deguito.

Partikular ang hatol na guilty dahil sa sinasabing partsipasyon nito sa 81-million dollars Bangladesh Bank cyber heist.


Anila, bigo ang korte na mapatunayang si Deguito ang nag maniobra ng transaksyon.

Magugunitang noong February 16, 2016 na-hack ang Bangladesh Bank at ang 81 million dollars na pondo nito ay napunta sa Pilipinas sa pamamagitan ng payment instruction na natanggap ng Federal Reserve Bank of New York.

Facebook Comments