CHR, tinututulan ang paglalagay ng yellow marking sa mga bahay ng mga nahahawaan ng COVID-19

Ipinahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na malalabag ang karapatang pantao ng Pilipino kung lalagyan ng yellow marking ang mga bahay ng mga nahahawaan ng COVID-19.

Ginawa ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana ang pahayag kasunod na ginagawang hakbang ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng granular lockdown.

Ayon kay Gana, hindi na dapat lagyan ng marking ang isang bahay dahil nagdudulot lamang ito ng diskriminasyon sa komunidad.


Wala itong pinagkaiba sa inilalagay na yellow marking sa mga bahay ng pinaghihinalaang drug pusher sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.

Imbes na lagyan ng yellow markings, ipinayo ng CHR ang mahigpit pag-monitor ng barangay at mga lokal na pamahalaan sa mga pamilya na nailagay sa granular lockdown.

Facebook Comments