Hinirang ng Department of Science and Technology (DOST) ang dating basketbolista at Kapuso host na si Chris Tiu bilang isa sa brand ambassador ng naturang kagawaran.
Ipinakilala ang iBilib host sa pagbubukas ng 2019 National Science and Technology Week (NSTW) nitong Miyerkules sa World Trade Center.
“My role is to help encourage the youth to love science or to pursue a career in science, or at least consider it,” mensahe ng dating star player ng Ateneo at PBA.
Hinimok din ni Tiu ang mga kabataan na lumikha ng social media content tungkol sa siyensya.
Aniya, “I want to help the youth to realize that science is cool and it is for everyone and benefits us all.”
Sa kanyang Instagram post, sinabi nitong isang malaking karangalan ang hiranging brand ambassador ng DOST.
“Excited to promote and bring science closer to the people, especially our youth, because we believe it plays an important role in human development but at the same time it is fun!!”.
Pinasalamatan din niya sina Sec. Fortunato T. de la Peña at buong pamunuan ng DOST dahil sa suporta at tiwalang ibinigay.
Sa pagpasok ni Tiu, umaasa si DOST Chief na maraming Pinoy ang maeengayong mag-aral at tuklasin ang kahalagahan ng siyensiya at teknolohiya.