Iniimbitahan ng Dagupan Metropolitan Cathedral of Saint John the Evangelist ang lahat ng parishioners, pamilya, ministries, religious communities, at mga pilgrim na makiisa sa mga solemn liturgical activities para sa selebrasyon ng Christ the King 2025.
Sa temang “Pilgrims of Hope: Walking Together with Christ the King”, tinatawagan ang bawat isa na magsama-sama bilang isang komunidad—na may malasakit sa ating ibinahaging misyon, pinatatag ng pag-asa.
Sa mga banal na araw ng panalangin at pagsamba, hangad ng simbahan na muling mapalakas ang pagpapahayag ng pananampalataya nang buong tapang.
Magsisimula ang serye ng mga Novena Masses mula Nobyembre 14 hanggang 22, 2025. Sa Nobyembre 23, 2025, gaganapin ang feast day sa Tapuac Basketball Court kung saan magtitipon ang mga deboto ng alas-2:30 ng hapon. Susundan ito ng isang Solemn Procession sa ganap na 3:00 PM na iikot mula sa Tapuac Basketball Court, barangay hall complex, Tapuac National Road, Perez Boulevard, Rizal Street, AB Fernandez Avenue, hanggang sa Dagupan City Museum Facade, Burgos Street, at magtatapos sa Dagupan Cathedral.
Inaanyayahan ang lahat na makilahok nang may debosyon sa bawat misa at seremonya na inihanda para sa pista, upang palalimin ang pananampalataya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










