Matatanggap na ng mga Senior Citizens at persons with disability na pensyonado ng Goverment Service and Insurance System (GSIS) ang kanilang Christmas Cash Gifts simula sa December 15.
Ito’y kaugnay sa nakatakdang paglalabas ng GSIS ng 3.12 Billion Pesos na halaga ng Cash Gifts.
Ayon kay GSIS Chairperson Rolando Ledesma Macasaet, higit 324,000 pensioners ang makakatanggap nito.
Tiniyak ni Macasaet na ipapasok ang Cash Gift sa card ng mga pensioner ilang araw bago ang pasko.
Ang mga aktibong old-age at disability pensioners na patuloy na nakakatanggap ng regular monthly pension at buhay pa mula nitong November 30, 2019 ay makakatanggap ng Christmas Cash Gift.
Ang mga suspended pensioner mula nitong november 30, 2019 ay pwede pa ring makatanggap ng Cash Gift basta ma-i-activate ang kanilang status sa GSIS bago sa mismong araw ng April 30, 2020.
Ang mga pensioner na nakatanggap ng higit 100,000 Pesos Christmas Cash Gift nitong 2018 ay makakatanggap ng halaga katumbas ng isang buwang pension hanggang sa maximum na 12,600 Pesos.
Ang mga pensioner na nakatanggap ng 10,000 Pesos pababa noong nakaraang taon ay mabibigyan ng isang buwan ng kasalukuyang pension o aabot sa 10,000 Pesos.
Ang mga pensioner na itinuloy ang kanilang Regular Monthly Pension pagkatapos ng December 31, 2018 ay mabibigyan ng isang buwang kasalukuyang pension na aabot ng hanggang 10,000 Pesos.
Ang mga sumusunod ay hindi kwalipikadong makatanggap ng Christmas Cash Gift: Basic Survivorship Pensioners; Dependent Pensioners; pensioners sa ilalim ng Portability Law, ang mga nakakatanggap ng Pro-Rate Pension, at mga retirees na nakatanggap ng Guaranteed Pensions in advance at mga itutuloy ang kanilang Regular Monthly Pensions pagkatapos ng December 31, 2019.
Ang mga GSIS members na nag-resign o separated mula sa Government Service sa pagitan ng 2006 at 2019 bago umabot ng 60-years old at nagsimula lamang na makatanggap ng Regular Monthly Pension sa pagitan ng 2015 at 2019 ay makakatanggap ng Christmas Cash Gift kapag naging regular pensioners na sila sa loob ng halos limang taon.