Korte Suprema, handang bigyan ng karagdagang seguridad ang hukom na humahawak sa Maguindanao Massacre Case

118

Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na walang dapat ipangamba si Quezon City regional trial court judge jocelyn solis-reyes.

Si Solis-Reyes ang humahawak ng kaso ng Maguindanao Massacre.


Ayon kay Peralta, maayos namang nagagampanan ng RTC Judge ang kanyang trabaho.

Aniya, hindi pa humihingi ng dagdag na seguridad ang hukom pero handa naman ang Korte Suprema na ibigay ito sa kanya kung hihilingin niya.

Tatalakayin naman ngayong araw ng SC En Banc kung papayagan ito ang Live Media Coverage sa paglalabas ng hatol sa December 19.

Facebook Comments

From Advertisers