Kahit ordinaryong araw ay ramdam na ngayon ang pagkapal ng mga sasakyan at pagbugso ng mga sasakyan sa mga kalye sa lungsod ng Naga.
Sa darating pang mga araw, inaasahang dadagsa pa ang mga sasakyan dahil panahon ng pamamalengke kaugnay ng darating na kapaskuhan. Inaasahang kakapal ang mga tao sa mercado publiko gayundin sa mga malalaking malls sa Naga City.
Kaugnay nito, ipinahayag nji Mr. Renne Gumba, Executive Director ng Public Safety Office na handa na ang kanilang opisina sa pagdagsa ng mga shoppers mula ngayon hanggang sa susunod na linggo.
Idinagdag pa ni Gumba na nakipag-ugnayan na rin sila sa Naga City Police Office Traffic Enforcement Unit at Traffic Management Center na pinamumunuan ni Mr. Arnulfo Fausto. Sinabi ni Gumba na plantsado na ang kanilang pag-uusap tungkol sa pagmaneho ng traffic at katiwasayan sa mga matataong bahagi ng lungsod.
Gayunpaman, patuloy rin ang pakiusap ni Gumba sa publiko na kungsakaling hindi naman kailangang magdala ng sasakyan sa pamamalengke, mas maiging wag ng magdala ng sasakyan para makabawas sa daloy ng traffic sa mga kalsadang malalapit sa NCPM at sa mga malalaking malls at shopping establishments sa loob ng lungsod.
Sinabi pa ni Gumba na may extension din sa reporting time ng mga traffic personnel para mas mapaayos ang sitwasyon ng mga kalsada sa lungsod. Hinikayat din ni Gumba ang mga gumagamit ng sasakyan na mag-explore ng possibilities na gamitin ang mga alternate routes para maiwasan ang sobrang congestion ng mga sasakyan sa lungsod.
Christmas Rush at Heavy Traffic sa Naga City, Pinaghahandaan ng PSO/NCPO/TMU
Facebook Comments