Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na all systems go na para sa 40 airports na nasa ilalim ng kanilang pamamahala para sa inaasahang influx ng mga pasahero ngayong holiday season.
Ayon sa CAAP magmula ngayong araw, December 10, hanggang January 5, 2019, magpapatupad sila ng heightened alert sa lahat ng paliparan sa bansa.
Ibig sabihin mas maraming security personnel ang ipapakalat at ide-deploy.
Nakipag-ugnayan na rin ang CAAP sa iba’t-ibang airline companies upang matiyak na magiging maayos ang kanilang operasyon lalo na sa mga check-in counters.
Samantala, pinapayuhan naman ang mga byahero na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa paliparan para maiwasan ang aberya.
Sa tala ng CAAP 6,342,610 international at domestic passengers ang naitala nuong 2017, kung saan kalahati dito ang gumamit o dumaan sa NAIA.