Trending ngayon sa social media ang isang Christmas tree na itinayo sa Sitio San Miguel Barangay Sta. Cruz sa Lezo, Aklan na alay umano para sa mga lasinggero.
Ayon sa ulat, aabot sa 15 talampakan ang taas ng Christmas tree na may nakabiting mga bote ng alak.
Ayon kay Stephen Selorio na siyang nakaisip na gumawa ng nasabing Christmas tree, matapos silang mamuhay na mga lasinggero ngayong pandemic, nakaisip sila ng paraan upang bawasan na ang pag-inom ng alak at gamitin sa mabuting paraan ang perang ginastos.
Hinikayat niya pa ang iba pang mga lasinggero na puntahan ang kaniyang ginawang Christmas tree at doon gumawa ng new year resolution na ititigil na ang pag-iinom ng alak sa 2021.
Naniniwala rin si Selorio na may psychological effect ang ganitong pamamaraan para mabawasan ang pagiging alcoholic.