MANILA – Hindi pa tapos ang isyu sa Citizenship Eligibility ni Presidential Candidate at Senator Grace Poe.Ito ang iginiit ni Associate Justice Antonio Carpio, na nakasaad sa kanyang dissenting opinion sa desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa disqualification case laban kay Poe.Ayon kay Carpio, walang ‘majority ruling’ sa diskwalipikasyon laban kay Poe bilang isang natural-born citizen.Aniya – tanging pitong mahistrado lamang ang nagsabing natural-born ang senadora, habang limang ang dissented at tatlo ang nagsabing hindi dapat maglabas ng ruling ang kataas taasang hukuman sa citizenship.Si Carpio, na kilalang kritiko ni Poe, ay isa sa mga mahistrado na bumoto para i-disqualify si Poe.Una nang sinabi ni Carpio, maituturing na ‘mockery of polls’ kapag pinayagan si Poe na makasali sa presidential race dahil hindi siya isang natural-born Filipino, bukod pa sa isang foundling at naging American Citizen.Samantala … Iginiit naman ni Professor Antonio Contreras, na isa sa mga petitioner ng disqualification case laban kay Poe sa Commission on Elections o COMELEC, hindi aniya totoo ang statement ni Chief Justice Lourdes Sereno na labing dalawang mahistrado lamang ang sumali sa deliberasyon sa isyu ng natural born citizenship ng senadora.Ang totoo aniya ay lahat labinlimang SC Justices ay pumirma sa main decision at naglabas ng magkakahiwalay ng opinion, na nangangahulugan na lahat sila ay bumoto.
Citizenship Eligibility Ni Presidential Candidate Senator Grace Poe – Iginiit Na Hindi Pa Tapos
Facebook Comments