Kinumbida si City Administrator Dr. Danda N. Juanday ng Department of Health upang magsalita bilang kinatawan ng Cotabato City sa Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) summit sa Rizal, Manila upang iprisenta ang mga pinakamahuhusay na kasanayan ng Cotabato city pagdating sa Iwas Paputok Campaign.
Ang Cotabato City umano ang pinili ng DOH dahil sa “best practices” nito na naging daan sa pagkamit ng ‘zero firecracker injuries’ sa dalawang magkasunod na taon ng 2017-2018.
Doon ay buong pagmamalaking iprinisenta ni Dr. Juanday ang mga pagsisikap ng lungsod kontra paputok kabilang na ang massive information drive at ang RONDA patrol na pinangungunahan mismo ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi.
Mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ang ordinansa nito na nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng firecrackers at fireworks sa selebrasyon ng holiday seasons at iba pang kapiyestahan.
City Administrator Dr. Danda N. Juanday, inimbitahang ng DOH maging resource speaker sa APIR summit!
Facebook Comments