Simula ngayong araw ay pansamantalang isasara ang City hall ng Lungsod ng cauayan matapos magpositibo sa Covid-19 ang empleyado nito.
Layunin nito na bigyang daan ang ginagawang contact tracing at disinfection sa gusali na magtatagal hanggang September 14.
Ito’y matapos madagdagan ang mga nagspositibo ng COVID-19 na karamihan ay katrabaho ng unang nagpositibo.
Batay sa datos ng DOH Region 02, kahapon ay nakapagtala ng labing dalawa na bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod at sampu sa mga ito ay pawang mga empleyado ng pamahalaang panlungsod.
Hinihikayat naman ng pamahalaang lunsod ang iba pang empleyado ng City hall na mag self-isolation upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Sa ngayon ay mayroong dalawamput lima na active cases ang lungsod ng Cauayan.