Ilagan City, Isabela- Nasa siyamnapu’t walong porsiyento na ang kahandaan ng City of Ilagan para sa barangay at SK Eleksyon na magaganap sa Mayo katorse, taong dos mil disi otso.
Ito ang inihayag ni Atty. Jerbee Anthony Cortez, COMELEC Officer at Assistant Regional Director ng COMELEC Region 2 sa naging panayam ng DWKD RMN Cauayan.
Aniya, natanggap na ng City of Ilagan ang mga balotang gagamitin ng mga botante para sa nalalapit na eleksyon.
Ayon pa kay ginoong Cortez, ang Batanes palamang ang may kumpletong kagamitan para sa eleksyon at isinusunod na rin ang iba pang tanggapan sa rehiyon.
Bukod dito, Ang Mindanao lang umano ang mayroong bagong form ng balota at kung may nakita na umanong balota na may petsang May 14, 2018 sa buong bahagi ng Luzon ay kahina-hinala na umano ito.
Kinumpirma rin ni ginoong Atty. Cortez na hindi umano sayang ang mga balotang naimprinta Noong nakaraang taon dahil magagamit na ito ngayong barangay at SK eleksyon.
Samantala, Wala pa rin umanong naaaresto sa kanilang lungsod na lumalabag sa Gun Ban at sa Omnibus Election Code.