Cauayan City, Isabela- Isinuhestiyon ni Isabela Governor Rodito Albano III na gawing pasilidad ang kabubukas na Medical Center ng City of Ilagan para sa mga moderate at severe na kaso ng COVID-19 sa Lalawigan.
Ito’y sa kabila na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Ang nasabing ospital ay may 300-bed facility na binuksan noong Abril 4, 2021 upang magsilbing community isolation unit ng mga positibong kaso ng nasabing Lungsod.
Nagamit na rin ang ikalawa at ikatlong palapag ng gusali ngunit nilinaw ni City Mayor Jay Diaz na hindi nag-ooperate ang nasabing gusali bilang ospital dahil marami pang hinihintay na medical equipment.
Nakahanda naman umano ang Gobernador na magbibigay ng tulong ang provincial government para sa paglalagay ng mga karagdagang beds at pagdadagdag ng medical personnel.
Ayon naman kay Mayor Jose Marie Diaz, isasangguni muna aniya nito sa kanilang konseho para sa agarang aksiyon sa nasabing rekomendasyon.