City of Ilagan, Muling Naikategorya sa “Medium Risk” Classification dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Bumababa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa City of Ilagan batay sa pinakahuling datos ng City Inter-Agency Task Force ( CIATF).

Sa datosna inilabas, 24 na lang ang active cases sa siyudad mula sa dating 28 sa nakalipas na tatlong araw.

Ang Average Daily Attack Rate ay hindi nagkakalayo mula sa dating 1.79% ay nasa 1.74% na lang sa kasalukuyan habang ang 2-week growth rate mula sa dating -4.87% ay nasa 22.58% nalang.


Ayon kay Mayor Diaz, dahil sa significant increase of growth rate ay nakategorya na sa ‘medium risk’ classification mula sa dating ‘low-risk’ ang lungsod mula sa COVID-19.

Isa rin sa dahilan ng bagong klasipikasyon sa lungsod ay dahil sa positibong resulta ng mga sumailalim sa antigen test at naghihintay pa ng resulta mula sa confirmatory test.

Samantala, naalarma na ang lokal na pamahalaan ng Ilagan dahil sa pagkakaroon ng kaso ng Delta variant sa rehiyon dos bagama’t pinag-iingat pa rin ang publiko para maiwasan ang pagkakaroon ng nakakahawang variant sa lungsod.

Pinaglatag na rin ng checkpoint ang barangay na nasasakupan ng western part area ng lungsod matapos makarating sa kaalaman ni Mayor Diaz ang ilang impormasyon na nagiging ruta ng mga nagmumula sa labas ng siyudad ang western part ng siyudad.

Facebook Comments