City of Ilagan, Pangalawa sa Best Tourism of the Year!

Cauayan City, Isabela- Muling nakatanggap ng prestihiyosong parangal ang Lungsod ng Ilagan matapos na tanghalin bilang 2nd runner up sa ‘Best Tourism of the Year’ sa buong bansa.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Edison Domingo, Tourism Officer ng Lungsod ng Ilagan, kanyang sinabi na kailangang mahalin natin ang ating sariling kinagisnan upang makarating sa paroroonan.

Ito ay dahil na rin umano sa kanilang pangpapaganda at pagmimintina sa pasyalan na dinarayo ng mga turista gaya ng Ilagan Sanctuary, Japanese Tunnel at iba pang mga pasyalan na dinarayo ng mga lokal, nasyonal at internasyonal na turista.


Dagdag pa ni Ginoong Domingo na maliban sa mga tourist spots sa Lungsod ay dapat pangalagaan din ang mga kultura at tradisyon na dahilan ng kanilang nasungkit na parangal.

Kabilang din sa naging basehan ng kanilang parangal ay ang mapayapa at ligtas na pook pasyalan at dahil sa patuloy na pagsulong ng lungsod ng Ilagan sa pamumuno ni City Mayor Jay Diaz.

Facebook Comments