CauayanCity, Isabela -Naideklang Non-Working Holiday ngayong araw, April 2, 2018 base sa Administrative Order No. 1 series of 2018, upang gunitain ang 17th Founding Anniversarry ng City of Cauayan.
Walang pasok ang Local Government Unit (LGU), Nationala Government Agencies (NGA’S) at maging ang pangpubliko at pribadong paaralan sa secondary level at primary.
Ngunit dumalo ang lahat ng empleyado sa Flag Raising Ceremony, Thanks Giving Mass at programa kaugnay sa anibersaryo ng cityhood ng Cauayan, maging ang lahat ng Cauayanos.
Ayon kay City Councilor Garry Galutera isinabay din sa anibersaryo ang inagurasyon at basbas ng ibat ibang proyekto ng city government maging ang unang hudyat ng Gawaygawa-yan festival.
Idinagdag pa ni Councilor Galutera na ngayong hapon ay bubuksan ang Science and Technology Trade Fair sa Isabela State University o ISU Cauayan campus kung saan kaagapay dito ang Department of Science and Technology o DOST.
Pormal na bubuksan din ngayong araw ang Banchetto kung saan maraming naimbitahan na magbibigay kasiyahan sa lahat ng cauayenos maging lahat ng bisita sa lungsod.
Ang Banchetto ay nasa harapan mismo ng City hall na nagsimula pa noong March 15 at ito ay magtatapos sa darating na Abril kinse, taong 2018.
tag:Luzon,RMN News Cauayan, DWKD 985 Cauayan, Garry Galutera, Cauayan City, Isabela