Manila, Philippines – Nanguna si Associate Justice Lucas Bersamin sa naging botohan kanina sa Supreme Court EN BANC sa pagka-punong mahistrado
Ayon sa source mula sa Supreme Court, nakakuha si Bersamin ng 11 votes , pangalawa naman sina Associate Justices Teresita De Castro at Diosdado Peralta na kapwa may tigsampung boto habang si Associate Justice Andres Reyes ay dalawang boto lamang.
Ang naturang resulta ay ipapadala naman ng SC EN BANC sa Judicial and Bar Council para maging basehan sa kanilang gagawing botohan sa lahat ng mga nominado.
Sa darating na Biyernes, itinakda ng JBC ang kanilang deliberasyon sa mga aplikante sa pagka-punong mahistrado.
Facebook Comments