Manila, Philippines – Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Supreme Court Chief Justice si Justice Lucas Bersamin.
Ito ay sinabi ng mapagkakatiwalaang source sa Malacañang.
Ayon sa source, naabisuhan na ng Malacañang si Bersamin na siya na ang uupong ika-25 Chief Justice ng bansa.
Si Bersamin ang pinaka-senior sa hudikatura kung saan ay nagsimula itong magsilbi bilang regional trial court judge ng Quezon City noong 1986.
Matatandaan na itinalaga si Bersamin ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Associate Justice ng Court of Appeals noong 2003 at naging Supreme Court Associate Justice noong 2009.
Top 9 naman si Bersamin sa 1973 Bar exam at nagtapos ito sa University of the East.
Hanggang sa mga oras na ito naman ay wala pang opisyal kumpirmasyon ang Malacañang sa appointment ni Bersamin.