CJ POST | Public interview sa mga aspirante sa Chief Justice Post, itinakda na ng JBC

Manila, Philippines – Itinakda ng Judicial and Bar Council sa August 16 ang public interview sa limang aspirante sa pagka-punong mahistrado.

Kabilang sa sasalang sa public interview sina Supreme Court Associate Justices Teresita Leonardo de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin at Andres Reyes Jr.

Panglima sa listahan ng mga sasalang sa public interview si Tagum City Regional Trial Court Judge Virginia Tehano Ang.


Sino man sa lima ang mapili ng Pangulong Duterte ang siyang magiging ika-dalawamput apat na chief justice matapos ngang maging imbalido ang appointment kay Atty. Maria Lourdes Sereno nang mapatalsik siya ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa pamamagitan ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General.

Facebook Comments