CJ SERENO IMPEACHMENT CASE | SC Clerk of Court, nagisa sa pagdinig

Manila, Philippines – Nagisa ng House Committee on Justice si Supreme Court Clerk of Court Atty. Felipa Anama sa pagdinig ng impeachment case ni SC CJ Maria Lourdes Sereno.

Ito ay dahil walang nadalang mahahalagang dokumento si Anama na hinihingi ng komite.

Hindi kasi naisumite ni Anama ang sulat ni CJ Sereno kay Justice Teresita De Castro.


Ito ay sagot sana ni Sereno sa sulat ni Associate Justice Teresita de Castro kaugnay ng binago nitong TRO sa proclamation ng Senior Citizens Partylist.

Wala ding isinumiteng resolusyon si Anama kaugnay ng request ng SC kay Executive Secretary Salvador Medialdea para isumite sa SC ang complaint laban sa 4 na judges na sangkot sa droga.

Itinatanggi ni Anama na wala umanong ganitong resolusyon ang Korte Suprema.

Tumanggi din si Anama na isumite ang minutes ng raffle of cases kaugnay ng Maute case noong June 19, 2017.

Giit ni Anama, batay sa Rule 7 ng Section 3 ng internal rules ng SC, bawal umanong isapubliko ang minutes ng raffle dahil confidential matter ito.

Sinagot naman ni Justice Committee Chairman Rey Umali na ang impeachment hearing ay ekslusibo na poder ng Kamara kaya hindi pwedeng pagtaguan ng dokumento kahit ito pa ay Korte Suprema.

Facebook Comments