CJ SERENO IMPEACHMENT | Prosecution team, binubuo na ng Kamara

Manila, Philippines – Inihahanda na ng House Committee on Justice ang prosecution team sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, siya ang tatayong head ng 11-man prosecution team sa Kamara pero bukas siya para sa ibang kongresista na interesadong manguna sa prosecution team.

Aniya, may listahan na sila ng mga private lawyers na nagboluntaryo para bumuo sa private prosecutors na uusig kay Sereno.


Hindi pa niya kinakausap ang mga volunteers dahil inuuna pa nilang buuhin ang 11-man prosecution team sa Kamara.

Kampante naman si Umali sa pagusad ng reklamo laban sa Punong Hukom sa Senate Impeachment Court dahil handa sila sa mga ebidensya hindi tulad noong impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona na sa Senado pa sila nangalap ng mga ebidensya.

Facebook Comments