CLEARING OPERATION | Pateros bridge, nilinis ng mga tauhan ng MMDA

Manila, Philippines – Kasunod ng nalalapit na panahon ng pasko tuloy-tuloy ang ginagawang paglilinis ng mga tauhan ng Metropolitan Mla Devt Authority sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila

Kanina, pinangunahan ni MMDA Chairman Danny Lim at Pateros Mayor Miguel Ponce III ang clearing operation sa mga tindahan na humaharang sa Pateros Bridge.

Ito ay makaraang dumulog ang alkalde sa MMDA dahil sa pagtatapon ng mga vendors ng basura sa Pateros River.


Giit ng alkalde, ang mga basura mula sa mga pasaway na vendors ang dahilan kaya’t hindi na umaagos ang tubig sa ilog.

Nagpaskil din ang mga tauhan ng MMDA ng karatulang “bawal magtinda dito” .

Samantala pumirma din ng kasunduan ang MMDA, DILG at mga brgy. officials ng Comembo sa Makati bilang tanda ng kanilang pananagutan at responsibilidad na bantayan ang bahagi ng J.P. Rizal Extension laban sa mga illegal vendor.

Facebook Comments