Estudyante pinagbabaril mga suspect naaresto ng 5th Special Forces

Isang estudyante ang pinagbabaril kahapong alas siyete ng umaga sa college area particular sa bormaheco intersection sa barangay RH-2 cot.city kung saan kinilala ang biktima o tinarget ay si Sohaly Abdulmaguid Ramadan Salic grade 12 student ng Notre Dame University na risedente ng Poblacion Parang maguindanao…Siyay maswerteng nagtamo lamang ng daplis na tama sa kanyang kanang kilay.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1, sakay umano ang biktima ng kanyang single mototrcycle na papunta n asana sa NDU ng sundan ng dalawang suspect na riding in tandem at doon ay pinagbabaril kaagad…Sa unang dalawang putok ay nadaplisan lang ang estudyante kayat itoy hinabol pa ng mga suspect at muling pinaputukan ng dalawang beses pa at ditto na nawalan ng control sa kanilang sinasakyang Honda XRM ang mga suspect at silay natumba.
Dahil malapit lang sa kampo ng 5th special forces ang pangyayari ay mabilis na nagresponde ang mga tauhan ni Col.James Uri ng marinig ang mga putok ng baril at doon na nagkaroon ng habulan, sa tulong narin ng mga barangay officials at BPAT ng RH-2, ay nakorner din ang mga suspect sa likod ng NDU ng mga Special Forces.
Kinilala ang mga suspect na sina Saidamin Sarip Faizal 25 anyos, ang gunman at si Zamzamin Malambot 18 anyos ang driver, na resident eng sitio alizona barangay Poblacion 1 Parang maguindanao, nakuha sa kanilang posisyon ang tig-iisang calibre 45 pistol at 9mm pistol na may bala.Pati ang ginamit nilang motorsiklo ay narecover din.
Makaraang mahuli ay kaagad na tinurn-over ni Col.James Uri sa PPI ang mga suspect, at doon sinabi ni PCI Reynaldo Delanten na rido ang motibo sa insedente…Nakapiit na ngayon ang mga suspect sa lock-up cell ng PP1 habang ang biktima ay nagpapagaling sa isang pagamutan.

Facebook Comments